Abante Tonite Interactive

Ama kinarit ang anak, BF

244

Kinasuhan ng frustrated parricide at frustrated murder ang isang ama sa Cebu City makaraan umanong tangkain nitong patayin ang sariling anak at nobyo nito gamit ang karit.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronnie Repoledon, 52, na inireklamo ng sariling anak na si Anna Marie Marquez at nobyo nitong si Tirso Antonio Ogario, pawang 19-anyos.

Naganap ang insidente sa bahay ng mag-ama sa Sitio Cayam, Brgy. Colon, Naga City, Cebu noong Miyerkoles nang gabi. Lasing umano ang ama nang abutan ang anak at nobyo nito sa kuwarto na gumagawa ng kanilang assignment, pinatay umano nito ang ilaw ngunit muling binuksan ni Ogario.

Dito umano nagalit ang ama saka kinuha ang kanyang sanggot o karit at inundayan si Ogario na nasalag naman, umawat naman ang anak ni Repoledon ngunit nasugatan naman sa kanyang kaliwang braso.

Agad namang nadakip ang ama nang dumating ang mga tauhan ng barangay, habang dinala sa ospitala sina Marquez at batang si Ogario.