Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ama ng running

0 49

Pang-anim na taong anibersaryo ng kamatayan noong Huwebes, Sept. 9 ni dating Philippine Sports Commission commissioner Jose ‘Jun’ V. Castro Jr., ang kinikilalang ama ng takbuhan o father of running sa bansa.

Yumao siya sa edad na 71 noong 2015 sa San Jose, California makaraan ang tatlong taong pakikipagbuno sa lung cancer. Dumayo siya ng United States noong 1993 para magsimula ng bagong buhay.

Si Jun po ang nanguna sa PH running boom sa maaga ng ’80s sa pag-oorganisa at naging race director ng 1st National Milo Marathon 1974, Manila International Marathon and Running Exposition, at Pilipinas Third World Marathon na kalauna’y naging Pilipinas International Marathon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatambal niya si dating PSC chairman Aparicio Mequi sa paglulunsad ng mass running at physical fitness boom sa bansa. Inorganisa nila ang Band-Aid Family Marathon Clinic na nagsimula sa pagdami ng marathon runner sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

Kahit nang maging komisyuner na sa PSC noong 1990, pinagpatuloy ni Castro ang pagdaraos ng mga patakbo sa Metro Manila at maging sa kapuluan ng bansa, isa ang Akbayan.

Produkto ng kanyang programa ang mga naging national marathoner na sina Jimmy dela Torre, Olympians Victor Idava, Justo Tabunda Jr. at Leonardo Illut, Mario Castro, David Carmelo at iba pa.

Saludo po ang TP sa inyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.