Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amaia resident na-trauma sa nakawan

0 97

Hanggang ngayon matinding trauma pa rin ang nararamdaman ng isang travel and tours executive na natangayan ng nasa P1 milyong halaga ng mga alahas at gadget sa loob ng tinutuluyang condominium unit ng Amaia Skies sa Cubao, Quezon City.

Bukod kasi sa pagnanakaw, inihayag ng biktimang si Angely Dub na nanigarilyo pa sa kanyang kusina ang hindi pa nakikilalang mga kawatan, humiga pa sa kama at iniwan ang ilan sa kanyang mga underwear sa kusina.

Ibinahagi ni Dub ang naranasang trauma sa panayam sa kanya ng ABS-CBN ukol sa insidente.

Kinukuwestyon pa rin ni Dub kung bakit walang closed-circuit television o CCTV sa mga hallway ng condo dahilan kaya hindi pa rin natutukoy ang may kagagawan ng nakawan.

Nabatid na hindi lang umano si Dub ang ninakawan sa naturang condo subalit hindi nagsasalita ang iba pang nabiktima. Subalit kung pinili umano ng ibang tao na manahimik na lamang ay hindi siya ganito.

Nagbigay naman ng pahayag ang pamunuan ng Amaia at sinabing nakikipagtulungan sila sa imbestigasyon at nagpapatupad na rin ng mga kaukulang hakbang para mapabuti ang seguridad sa kanilang condo.

Sinabi pa na mayroon naman silang mga nilagay na CCTV bilang pagtalima sa mga regulasyon ukol dito.

Inihayag naman ni Dub na aalis na lamang siya sa Pilipinas at maninirahan na sa ibang bansa dahil sa insidenteng ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.