Abante Tonite Interactive

Amain sinaksak ang stepson dahil sa parking

By
0 135

Malubhang nasugatan ang isang 21-anyos na binata matapos pagsasaksakin ng sariling amain sa Manaoag, Pangasinan noong Sabado dahil sa awayan ng dalawa sa parking lot.

Kinilala ng Manaoag­ Police Station ang biktima na si Jaypee Ayad, ng Brgy. Baginang ng nasabing bayan habang hindi naman tinukoy ang pangalan ng suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat, nag-ugat ang pananaksak nang iparada ng biktima ang motorsiklo nito sa puwesto na pinagpaparadahan naman ng tricycle ng suspek.

Nang dumating ang suspek nainis umano ito dahil nakaharang ang motorsiklo at wala na itong maparadahan, kinompronta ng amain ang biktima bago ito undayan ng saksak.

Nagtamo ng sugat sa katawan si Ayad, habang pinaghahanap ng pulis ang suspek.