Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amateur sports bubuhayin din

0 153

Bubuhaying muli ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga programa sa bansa para sa mga kabataang atlelta upang muling makadiskubre ng bagong henerasyong talent kapag pinayagang makabalik na ang amateur sports.

Kumpiyansa si PSC chairman William Ramirez na makukumbinsi niya ang Department of Education (DepEd), local government units (LGUs) at iba pang kinauukulan para makatuwang sa mga proyekto.

Related Posts

“Strengthening our grassroots program creates a solid foundation for our elite athletes,’’ ani Ramirez nitong Lunes. “This can be made possible with a strong partnership with the DepEd and the LGUs as well as the POC (Philippine Olympic Committee) and the NSAs (national sports associations).”

Ang DepEd ang namamahala sa taunang Palarong Pambansa ng mga student-athlete mula sa elementary at high school levels.

Ang mga LGU naman ang may abilidad magbigay ng kapaligiran sa mga batang atleta para mas mapahusay sa sports at makapareha ng PSC bsa pag-host ng Batang Pinoy Games at Philippine National Games. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.