Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ambassador na sinibak ni Duterte pasaklolo sa korte

0 100

Inihayag ni dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na dudulog siya sa Court of Appeals (CA) para hilingin na repasuhin ang isinagawang pagdinig sa kanyang kaso na may kinalaman sa pagmamalupit sa kasambahay niya.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Mauro na may mga depekto sa pagdinig ng panel na binuo ng Department of Foreign Affairs.

Para kay Mauro, inisip umano nito na suspensyon lamang ang ipapataw sa kanya.

“I was hoping that it was only suspension. Because for me, dismissal is not proportionate to the extent of the case, of the offense,” aniya.

Matatandaang naging viral ang video kung saan nakita si Mauro na sinasaktan ang kanyag kasambahay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.