Abante Tonite Interactive

Amber winner sa mga barako

379

Pasabog ang kaseksihan ng 19 years old na dala-gang kandidatang kumakatawan sa Canada para sa Mutya ng Pilipinas 2019.

Si Amber delos Reyes ang tipo ng babae na proud maging GF ng sino mang barako dahil panalo ang taglay niyang ganda.

Pagdating naman sa kanyang physical assets, mula sa kanyang pamatay na legs, wow na wow na butt, at malaman na dibdib, panlaban talaga ang tindig ng dalaga.

Excited na si Amber sa pagrampa sa pageant na ito at itinuturing na isa sa greatest opportunities ang ibinigay sa kanyang pagkakataon dito.

Bago sumali sa Mutya, si Amber ay nag-training sa kanyang hometown sa Toronto, Canada para sa International Professional Entertainment Network na naging susi para sumabak siya sa international pageant noong 2013. Dito’y naging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss Teen Expoworld Univese 2013 na ginanap sa Guatemala. Na sa kanyang hard work at determination, nauwi niya ang korona sa murang edad na 13.

Mula rito, namalagi na siya sa Pilipinas na naging susi sa kanyang modeling career. Pagdating sa kanyang chances sa Mutya, wala raw siyang expectations, although hangad niyang masungkit ang korona. Ipinauubaya raw ni Amber sa Diyos ang kanyang kapalaran. (Nonie Nicasio)