Abante Tonite Interactive

Ambisyosang female personality iniiwan ng lalaki

594

Cristy Fermin

Libre lang ang panganga-rap. Walang matrikula ang pangangarap. Pero magkaiba ang mapangarap kumpara sa pagiging ambis-yosa.

Ang kuwentong ‘yun ang pinagpistahan isang gabing malakas ang ulan ng magkakatropang nagtatrabaho sa iba-ibang network. Isang magandang female personality ang bumibida sa istorya.

Ang pagiging ambisyosa ng bata-bata pang female personality ang naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kanyang unang boyfriend na aktor.

Kuwento ng source, “Ang ganda-ganda ng takbo ng relasyon nila, very private ‘yun, hindi nila ipinagmakaingay. Mahal na mahal siya nu’ng male personality, sa kanya lang nakatutok ang mundo nu’ng lalaki.

“As in, talagang binibigyan siya ng time ng guy kahit pa marami siyang trabaho. After shooting, nasa tabi na niya ang male personality, ganu’n siya kahalaga sa guy,” unang kuwento ng aming impormante.

Pero nu’ng matagal-tagal na ang kanilang relasyon ay napansin ng male personality na may iba nang pinagkakaabalahan ang girl. Marami na siyang pinag-aaralang linya. Hindi lang nagtatapos ang kanyang ambisyon sa pagiging artista. Gusto na rin niyang magsulat ng script at maging direktor.

Balik-kuwento ng source sa umpukan, “Parang wala nang time ang girl sa relasyon nila ng male personality. Halos hindi na sila nagkikita, sobrang abala na ang girl sa mga bagay-bagay na part ng kanyang ambis-yon.

“Naisip ng guy, hindi siya ang babaeng inaasahan niyang makasama habambuhay. Magkakaroon lang sila ng mga argumento, dahil sobrang ambisyosa ng babae,” sabi uli ng source.

Nagkaroon uli siya ng boyfriend, non-showbiz ang lalaki, pero parang bahagi na rin ito ng kanyang mundo pero sa ibang linya nga lang ito sangkot.

Komento naman ng isa pang source sa umpukan, “‘Yun din ang naging reason ng hiwalayan nila, maambisyon ang girl. Mahirap sabayan ang ugali niya, marami siyang gustong mangyari na siya lang daw ang makagagawa at hindi niya kailangan ng ibang tao.

“May girlfriend na ang ex niya, pero siya, patuloy pa rin sa kanyang mga ambisyon sa buhay at career niya. Marami pa rin siyang gustong ma-accomplish na hindi niya tatantanan hanggang hindi nangyayari.

“Sino ngayon ang dapat sisihin sa mga relasyon niyang hindi nagtagal? Sino ang may kasalanan?” pagtatapos ng nakairap naming impormante.

John Lloyd ‘di pinagsaraduhan
ng showbiz

Markado pa rin talaga ang pangalan ni John Lloyd Cruz kahit mahigit na isang taon na siyang namamahinga sa pagharap sa mga camera. Siya pa rin ang itinatanong ng mga kababayan natin kung kailan siya babalik.

Ang klase ni Lloydie ang personalidad na matagal mang mawala ay siguradong may babalikan. Maganda kasi ang markang iniwanan niya sa industriya. Bukod sa kanyang talento ay pinilahan ang mga pelikulang pinagbidahan niya na iba-ibang aktres ang kanyang kapareha.

Nagpaalam na si JLC sa kanyang ermitanyo look. Malinis na ang kanyang mukha ngayon dahil inahit na niya ang kanyang bigote at balbas. Bumalik na ang itsura ng dating John Lloyd.

Umaasa ang kanyang mga tagasuporta na isang araw ay sosorpresahin na lang sila ng kanilang idolo.

Walang ingay. Walang promo. Tahimik na tahimik ang paggawa ng proyekto. Tapos, isang araw ay bubulagain na lang sila ni John Lloyd dahil may pelikula na pala siyang natapos, du’n pa lang lalabas ang mga detalye na habang hinahanap pala siya ay meron na siyang pinagkakaabalahang pelikula.

Nakaka-miss naman kasi ang presensiya ng magaling na aktor. Marami nang lalaking personalidad na nagdatingan pero ibang-iba pa rin ang kanyang suwabeng atake na minahal ng bayan.

Hindi siya pinagsaraduhan ng puso ng mano-nood, sa halip ay inunawa pa nga siya, siguro raw ay gusto lang matikman ni Lloydie ang isang klase ng buhay na matagal na niyang hindi naaangkin dahil sa pagi-ging artista.

Siguradong babalik sa pag-aartista si John Lloyd Cruz. Ito ang bisyong walang rehab. Walang paggaling. Minsan kang naging artista ay hahanap-hanapin mo ang ingay at saya ng mundong kinalakihan mo.