Abante Tonite Interactive

`Ambo’ nag-iwan ng P1B pinsala sa agrikultura

0 215

Sa mabilis at sumasagitsit na pananalasa ng Bagyong Ambo ay nag-iwan ito ng umaabot sa P1.04B ang halaga ng pinsala sa agrikultura, katumbas ng mahigit 62,000 metric tons na production loss.

Batay sa huling datos ng Department of Agriculture, apektado rito ang P21,655 na magsasaka at mangingisda sa Central Luzon, CALABARZON, Bicol region at Eastern Visayas.

Kabilang sa mga naapektuhang produkto ang palay, mais, mga gulay, saging, papaya, livestock at fisheries.

May laang P700M na quick response fund para sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala ng Bagyong Ambo. Sakop din ng insurance ang mga magsasaka.

Ayon sa DA, sa kabila ng pinsala, nakatulong sa pag-angat ng lebel ng tubig sa Angat at Pantabangan Dam ang ulang dulot ng bagyo.

Tonite – Wendys Inhouse Ad