Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ambulansiya vs trak, 6 todas

0 105

Anim ang patay na kinabibilangan ng 5 sakay sa ambulanya habang apat ang sugatan nang salpukin ang mga ito ng hauler truck sa Barangay Dona Josefa sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nasawing sina Joseph Lopena, drayber ng ambulansya; Mario Macatual, drayber ng Isuzu Hauler truck, Analisa Maribojoc; Princess Gold Ejan Sangilan; Julie Jay Sumonglay at isang hindi pa nakikilalang biktima na pawang sakay ng ambulansya habang apat na iba pa ang sugatan, isa dito ay pahinante ng trak at tatlo pang sakay ng ambulansya.

Sa naantalang ulat na ipinadala ni Police Lt. Mario Manipon, hepe ng Sindangan Municipal Police Station sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon.

Nabatid na magkasalungat na binabagtas ng dalawang sasakyan ang nasabing kalsada, ang ambulansya ay galing ng bayan ng Liloy patungo sana ng Dipolog City kung saan lulan ang walo katao.

Napag-alaman na nagkaaberya sa brake ang trak ni Macatual kaya hindi na nito nakontrol ang manibela na napunta na sa kabilang linya.

Eksakto namang paparating ang ambulansya ni Lopena at hindi na ito nakaiwas sa trak dahilan ng head on collision ng dalawang sasakyan.

Sa lakas ng banggaan ay nawasak ang halos kalahati ng ambulansya. Wasak naman ang unahang bahagi ng trak.

Isinugod sa Sindangan District Hospital ang mga biktima subalit anim sa mga ito ay idineklara ng dead on arrival habang ang apat na iba pa ay patuloy na inoobserbahan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.