Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ambulansiyang pandagat ng DOH naglayag na

0 198

NAGLAYAG na sa dagat ang sea ambulance na pinamahagi ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ) sa local government para magamit sa pagdadala ng mga pasyente mula sa isang isla patungo sa isang ospital at pagresponde rin sa panahon ng kalamidad sa lugar.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo, bagama’t naantala ang paggawa sa nasabing sea ambulance dahil sa pandemya, ngayon ay tuluyan na itong maglalayag upang magbigay serbisyo sa mga nangangailangan sa komunidad.

“Although the pandemic caused delays in the process of the construction of the sea ambulance, we are grateful that it will finally set sail to provide the needed service to the community of Patnanungan, Quezon. Napakahalaga ng proyektong ito upang tayo ay makapagserbisyo sa ating mamamayan at makapagbigay ng agarang lunas sa mga may sakit at makapagligtas ng buhay,” pahayag ni Janairo sa isang simpleng turn over. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.