Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ambulansya inararo nagmando ng trapiko

0 99

PATAY ang isang lalaki na nagmamando ng trapiko sa Opol, Misamis Oriental nang masagasaan ng ambulansya na may sakay na pasyente ng COVID-19.

Kinilala ang biktima na si Falconiri Mirasol na base sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nakipag-inuman sa kanyang kaibigang si Jepoy Alcantar.

Sinasabing tumawid ng kalye ang magkaibigan pero nahagip ang kanyang kaibigan kaya napahandusay ito.

SM food to go Banner Ad

Agad tumulong si Mirasol na magmando ng trapiko pero nasagasaan siya ng ambulansya at minalas pang makaladkad.

Sinasabing patungo sa Cagayan de Oro City ang ambulansiya na mayroong COVID-19 patient.

Hawak na ngayon ng pulisya ang nakasagasang driver. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.