Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ambulansya, trak, van karambola sa EDSA

0 98

Nagsilbing malaking abala sa mga motorista ang karambola ng tatlong sasakyan na kinabibilangan ng tatlong sasakyan dahilan upang bumigat ang daloy ng trapiko sa EDSA, Quezon City, Huwebes ng madaling-araw.

Sa report, bandang alas-5:20 ng madaling araw (September 30) nang biglang magkasalpukan ang isang Isuzu Elf Dropside truck, isang Mitsubishi L300 van at isang ambulansiya ng Quezon City.

Naganap ang aksidente malapit sa Barangay Ramon Magsaysay sa Edsa QC kung saan dalawang driver ang napaulat na bahagyang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan.

Nabatid na susundo sana ng pasyente ang ambulansiya pero nang kumanan patungong Corregidor St., ay aksidenteng nasalpok ng truck, at bumangga naman sa sinusundang L300 van.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naganap na aksidente. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.