Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ambulansya vs Bus, 9 nadale

0 133

Siyam ang sugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong bus at ambulansya sa Cebu City, Linggo ng hapon.

Kinilala ang sugatang pasahero ng ambulansya ng Chong Hua Hospital na sina Carl Stephen Montenegro, 45, drayber ng ambulansya; Dr. Daryl Calduzo, 32; Princess Tion, 30, nurse; Antonio Aguirre, pasyente at kasama nitong si Merlinda Aaguirre.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Ceres bus ay sugatan sina Benedicto Calduzo, drayber; Leoret Sumalinog, konduktor; pasaherong sina Princess Besabella, 27 at Edith Lariosa, 26.

Sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Ryan Perez, ng Traffic Patrol Group ng Cebu City, pasado alas-3:00 ng hapon nitong Linggo sa General Maxilom Avenue, magkasalungat ang dalawang sasakyan kung saan patungo sa Chong Hua Hospital ang ambulansya at ihahatid ang pasyente nang sumalpok umano ito sa bus.

Ayon sa drayber ng bus, hindi naman umano mabilis ang kanyang pagmamaneho pero aminado ito na hindi niya napansin ang paparating na ambulansya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.