Abante Tonite Interactive

Ambulansyang maghahatid ng pasyente syut sa bangin

226

Todas ang dalawa katao habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos malag­lag ang sinasakyan nilang ambulansya sa isang ba­ngin sa Bontoc, Mountain Pro­vince kahapon.

Kinilala ng Bontoc Police Station (BPS) ang nasawing sina Franklin Angawa, 37-anyos, driver ng ambulansya, at Earole Kurt Aliate, 21, kapwa taga-Hungduan, Ifugao, na parehong dead-on-the spot dahil sa mga skull at bone injury na kanilang sinapit.

Samantala, ang mga sugatan ay sina Rexton Duyapat, 20, Nelda Joy Tapyugon, 23, at Anabelle Attang, 32, ng nasabing bayan.

Ang mga sugatan ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng ulo at katawan na agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Sa inisyal na report, ayon sa Bontoc Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office, ang ambulansya na minamaneho ni Angawa ay maghahatid sana ng pas­yente mula Luis Hora Regional Memorial Hospital patungong Hungduan Municipal Hospital nang mawalan ng kontrol pagsapit sa Barangay Talubin.

Dito nawalan ng kontrol sa manibela si Angawa sanhi upang malaglag sila sa bangin na ilang metro ang lalim. (Allan Bergonia)