Abante Tonite Interactive

Ameera kasabwat ni Jackie sa pang-aapi kay Yasmien

By
3,535

Popular ang Kapuso actress na si Ameera Johara sa mundo ng Cosplay bilang si Wonder Woman ng Pilipinas. Nakilala siya sa ‘Kapuso Mo, Jessica Sojo’ na Wonder Woman ng Pilipinas.

“Nag-cosplay muna ako at doon ako nakilala,” deklara niya nang ipa-interview sa amin ni Jeffrey Gonzales na produkto ng ‘That’s Entertainment’ .

Dahil mahilig siya sa mga superhero, pangarap din ba niyang maging Darna?

“Masayang mapunta sa action scenes. Na-try ko na sa ‘Super Ma’am’ at na-enjoy ko ‘yun kalaban ang Snake Sisters,” pakli ng dalaga.

Sa palagay ba niya may K si Liza Soberano na maging Darna?

“Magiging normal na lang ang sagot ko, hangga’t kilala niya si Darna at kaya niyang i-portray at nagwo-work hard talaga para mai-portray ‘yun kahit sino naman po basta madadala at mabibigyan niya ng justice, okey po ‘yun,” tugon ni Ameera.

Si Ameera ay napapanood ngayon sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ ng GMA 7 bilang kaibigan ni Jackie Rice. Tampok din dito sina Yasmien Kurdi, Mike Tan at Martin del Rosario.
Kasabwat siya ni Jackie na kontrabida at umaapi kay Yasmien.

“Hindi ako masyadong mapang-api kasi may guilt na kaunti. Kumbaga, hindi full ang pagkainis kay Thea,” lahad pa ng magandang aktres.
Aminado si Ameera na naba-bash siya sa social media dahil sa kanyang role.

“Pero ok lang po na bina-bash ako ‘wag lang po ‘yung below the belt. Usually po ang natatanggap kong puna ay ‘yung tungkol sa boses ko o may advise sila na parang reklamo. Gusto ko naman na makarating sa akin para ma-improve ko.

“‘Yang mga ganyang haters is okey lang naman po, kasi ibig sabihin effective ang work ko,” sey pa niya.

Maraming GMA shows ang nilabasan ni Ameera bago ang ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka,’ gaya ng ‘Super Ma’am’ ni Marian Rivera at Maynila.

Kinse-anyos na ngayon si Ameera. Marami siyang charity na ginagawa tuwing nagsi-celebrate siya ng kanyang kaarawan. Meron siyang feeding program siya sa Brgy. 163 sa Tondo kaugnay ng kanyang 16th birthday.

Talbog