Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amer, Blackwater nag-ensayo na rin

0 210

Balik praktis na rin para sa nalalapit na 46th PBA season opening sina stalwart Baser Amer at Blackwater Biyernes sa Batangas City Sports Center.

Kagaya ng 11 pang mga koponan, sabak sa face-to-face training ang Bossing at bagong teammates ni Amer na sina Niño ‘KG’ Canaleta, Carl Bryan Cruz, Eduardo ‘Ed’ Daquioag Jr., Ron Dennison, Paul Desiderio, Frank Golla, Marion Magat at Jonjon Gabriel

Gayundin ang new recruits na sina Simon Enciso, David Semerad at Kelly Nabong at mga rookie na sina Rey Mark Acuno, Joshua Torralba, at Andre Paras.

Nag-ensayo na rin sa Batangas ang pinangungunahan ni Jeron Teng na Alaska. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.