Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amer, Casio pinosas ng Bossing

0 177

Nahilot na ng Blackwater management ang negosasyon sa ilang player na mga mag-e-expire o nag-expire na ang kontrata.

“May one year, like JVee (Casio) and Baser (Amer),” balita ni coach Ariel Vanguardia Biyernes. “May two years, may six months, may hanggang end of the conference.”

Bago mag-Pasko ay trinade ng Bossing si Ed Daquioag sa Terrafirma para makuha si veteran guard Justin Melton.

Pinik-ap din ng team na pag-aari ni Dioceldo Sy mula sa free agency si John Ambulonto na ngayon pa lang ay markado na ang papel sa rotation.

“Okay na lahat, pati ‘yung bagong pick-up namin na si Ambulonto,” dagdag ni Vanguardia. “Dating practice player na inakyat namin para sa import ng kalaban.”

Sa limang subok, wala pang naipapanalo sa 46 PBA 2021-22 Governors Cup ang Bossing.

Bokya rin sila sa ‘W’ sa 11 laro noong nakaraang Philippine Cup.

Mula 2020, humaba na sa league-worst 24 ang winless record ng Bossing.

Mas malamang mag-rebuild ang Blackwater pagdating ng 2022 Draft – posibleng late April o early May. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.