Abante Tonite Interactive

Amer, Maliksi, Quinto nasupot

323

Finals Game 2 bukas:
(Quezon Convention Center, Lucena)
7:00 pm – Ginebra vs Meralco
(Ginebra leads series 1-0)

Aminado si Norman Black na nawala ang ritmo ng Meralco nang ‘di mapasok ang depensa ng Ginebra Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang resulta ay 91-87 loss ng Bolts sa Game 1 ng 44th PBA Governors Cup 2019-2020 Finals.

“Ginebra does a good job of clogging the paint defensively,” bulalas ng Bolts coach sa postgame press conference.

“They want you to shoot from the outside. Normally, we do a very good job of shooting at high percentage. But today, we did not.”
Pinunto niyang kahit may open looks ang Bolts, ‘di pumapasok ang mga tira.

Pito lang ang pumasok sa 32 bitaw ng Meralco sa labas ng arc, inalat mula long distance sina Baser Amer at Bong Quinto. Kahit si Allein Maliksi, walang naipasok sa limang 3-point attempts.

Lumamang pa ng hanggang 61-51 sa third quarter ang Bolts pero naubusan sa dulo.

“Baser was 2-for-10. Maliksi was 0-for-5, and Bong Quinto was 1-for-5,” isa-isang banggit ni Black. “Those are pretty much my best shooters, percentage-wise. So the fact that they couldn’t make shots hurt us.”
Tumapos si Amer ng 9 points, may 3 markers si Quinto at 2 lang kay Maliksi.

Umangas sa Meralco si Raymond Almazan na naka-20 markers mula sa 9 of 13 shooting at 2 for 3 sa 3s. Si Chris Newsome ay 3 for 10 sa long distance pa-24 pts., pang-ayuda sa triple-double na 25 points, 18 rebounds at 10 assists ni Allen Durham.

May dalawang araw para pag-isipan ni Black kung paano babasagin ang depensa ng Gins bago ang Game 2 sa Lucena City sa Biyernes. (Vladi Eduarte)