Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amer tinitimpla sa Blackwater

0 218

Mas madali nang maipagamay ni coach Nash Racela ang sistema sa pitong newcomers ng Blackwater ngayong hindi na makikipagsiksikan sa isang practice venue ang Bossing.

Nakahanap ng ibang pasilidad ang Blackwater, Ginebra, San Miguel Beer, Alaska at Rain or Shine, pero sa Batangas province pa rin.

Solo nila ang venue at hindi na makikipag-agawan ng time slot sa mag-eensayo sa Batangas City. Sa Batangas Coliseum, Batangas State University at Lyceum-Batangas facilities pa rin ang Phoenix, Magnolia, NorthPort at Terrafirma.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Umpisa Lunes, sa Aquamarine Recreational and Events Center sa Lipa ang Gins at Beermen. Sa Splendido Golf and Country Club sa Laurel ang Bossing at Elasto Painters, lipat sa private resort sa San Jose ang Aces.

“Right now ang schedule na binigay (sa Batangas City) two hours lang and very erratic ‘yung scheduling,” paliwanag ni coach Nash. “First practice namin ng Thursday 6 to 8 p.m., tapos bibiyahe pa sila (players) so around midnight na nakauwi. Then the following day 11:30 a.m. binigay na start namin so mahirap talaga. Ibig sabihin mga 8 nasa kalye ka na ulit.”

Sa Splendido, nadagdagan ng isang oras sina newbies Baser Amer, Kelly Nabong, Simon Enciso at David Semerad, at rookies Reymark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras para makuha ang sistema ng Bossing. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.