Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amerika `di papayag maghari China

0 609

Pinalagan ng pamahalaan ng Amerika ang pag-aangkin ng China sa malawak na bahagi ng South China Sea kasabay ng pangakong suporta sa mga kaalyadong bansa sa Southeast Asia para protektahan ang kanilang karapatan sa nasabing karagatan.

Sa isang tweet kahapon, inihayag ng US Embassy sa Pilipinas ang posisyon ni US Secretary of State Michael Pompeo sa nasabing isyu bilang pagpapalakas ng polisiya ng Amerika na itinuturing na pinakamakapangyarihang bansa sa buong daigdig.

“The world will not allow Beijing to treat the South China Sea as its maritime empire. America stands with our Southeast Asian allies and partners in protecting their sovereign rights to offshore resources, consistent with their rights and obligations under international law,” ani Pompeo sa isang pahayag.

Dagdag ni Pompeo, suportado rin ng pamahalaang Amerika ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016 na

kinampohan ang Pilipinas at binasura ang pag-angkin ng China sa malawak na bahagi ng South China Sea.

Samantala, dumistansiya ang Malacañang sa girian ng Amerika at China, at sinabing uunahing itataguyod ang pambansang interes ng Pilipinas kaysa kumampi sa alinman sa mga nasabing bansa.

“We will agree to disagree on the arbitral award and we will proceed with our friendly relations, and `yong mga bagay-bagay na puwedeng isulong, isusulong. `Yong mga hindi pa pupuwedeng maresolba ngayon, isasantabi,” sabi ni Roque.(Mia Billones/Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.