Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amerika isasama sa travel ban

0 233

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na isasama na ng Pilipinas sa pansamantalang travel ban ang Estados Unidos makaraang mabatid na nakarating na rin sa naturang bansa ang COVID-19 variant na natuklasan sa United Kingdom.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Duque, anumang bansa na makikitaan ng bagong COVID-19 strain ay isasama sa talaan makarang tukuyin nitong Martes ang 19 na bansa na isinama sa UK sa travel ban.

Nilinaw naman ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na hihintayin pa rin nila ang Amerika na opisyal na abisuhan ang World Health Organization (WHO) tungkol sa bagong COVID-19 strain sa kanilang bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.