Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amerika posibleng masibak sa Olympics

0 73

POSIBLENG hindi makasali ang powerhouse country ng USA sa Tokyo Olympics kung sakaling magmamatigas si American President Donald Trump na huwag ibigay ang pondo para sa World Anti-Doping Agency (WADA).

Ayon kay WADA president Witold Banka, mga atleta sa USA ang magdudusa sakaling ipagdamot ni Trump ang pondo, dahil maaring maparusahan ang mga ito dahil sa kanilang presidente.

Ito’y matapos na irekumenda ng White House Office of National Drug Control Policy (ONDCP) na ipitin ang pondo para sa WADA kung hindi bibigyan ng sapat na decision-making power ang USA sa naturang ahensiya.

Kada taon, nagbibigay ang Estados Unidos ng $2.7M sa WADA, pinakamalaki kumpara sa ibang bansa. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.