Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amerika puro lang dada sa West PH Sea – Duterte

0 559

Hanggang salita lamang umano ang gobyerno ng Estados Unidos subalit hindi kayang ipagtanggol ang Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People Miyekoles ng gabi, kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng Pangulo na walang ginawa ang Amerika para ipagtanggol ang Pilipinas laban sa China noong panahong nagkaroon ng stand-off sa mga pinag-aagawang teritoryo.

“In so many instances, puro salita lang that we stand by you. That would have been the moment to show tomthe world that they were with us by sending their superior ships. Bakit hindi nila ginawa?” sabi ng Pangulo.

Ang Amerika pa aniya ang nagpayo kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na umatras ang puwersa ng gobyerno sa Scarborough Shoal na ginawa naman pero naging hudyat ito sa mga tropa ng China para angkinin ang isla.

“Sabihin `We will stand by you’, kaya? Kung nagkaupakan doon, nandoon kayo? Wala. `Yong Coast Guard ko lang. Ay anak ng jueteng, hindi ko ipapasubo iyang sundalo ko!” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.