Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amerika puro pangako!

0 81

Kinakailangang magbayad ang United States (US) government kung nais nitong magpatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati matapos na mag-inspeksyon sa Clark Air Base sa Pampanga nitong Biyernes kung saan pinaalala niya sa mga Amerikano na dapat maging “shared responsibility” ang naturang kasunduan.

“I’d like to put on notice, if there’s an American agent here, that from now on, you want the visiting agreement done? You have to pay,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng VFA ay pinapayagan ang joint military exercise ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika.

“It’s a shared responsibility. But, your share of responsibility does not come free because, after all, when the war breaks out, we all pay. You, kami,” aniya pa.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Pangulong Duterte sa kabiguan aniya ng gobyerno ng US na ideliber ang ilan sa mga pinangako nito sa Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“In the past we ordered so much from them and so much were not delivered at all,” pahayag ng Pangulo.

Tila ginagawa umano tayong mga bata ng Amerika sa mga pangako nito.

“What I don’t like is para kang bata na they promise you, mapunta ang top brass nila, this group promises you and once they take off they forget about it,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang inutos ni Pangulong Duterte noong 2020 na tapusin na ang VFA dahil sa pakikialam umano ng Amerika sa mga domestic affair ng Pilipinas.

Subalit pansamantala nitong sinuspinde ang pagbasura sa VFA dahil sa COVID-19 pandemya. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.