Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amerika sinama sa travel ban vs bagong COVID

0 227

Simula sa Enero 3, kabilang na ang United States sa pinatupad na travel ban sa mga dayuhang papasok sa bansa matapos matuklasang nakarating na rito bagong COVID-19 variant.

“The Office of the President, upon the joint recommendation of the Department of Health and the Department of Foreign Affairs, included the United States of America (US) as among the countries subject to travel restrictions,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Biyernes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi na papapasukin ang mga dayuhan mula sa US o mga galing dito sa loob ng 14 na araw. Magtataggal ang ban hanggang Enero 15.

Ang mga darating naman bago ang tinakdang araw ng pagsisimula ng ban ay sasailalim sa 14 araw na quarantine, kahit pa negatibo ang RT-PCR test result.

Papayagan naman ang mga Filipino national pero kailangan ding mag-quarantine. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.