Abante Tonite Interactive

Amerikana na nagsiksik ng baby sa bagahe kinasuhan na

456

Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-aresto sa isang babaeng Amerikana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang magdala ng sanggol na isinilid sa kanyang hand carried luggage na walang kaukulang travel document.

Nauna rito’y walang kasama ng umalis ang pasaherong si Jennifer Erin Talbot na pumila sa Immigration counter para sa kanyang ‘departure formality’ bago ito sumakay sa Delta Airlines flight DL 180 na patungong Estados Unidos.

Nabatid na walang check-in luggage si Talbot at tanging ‘black tote bag’ ang bitbit nito kung saan itinago ang anim na araw pa lang na sanggol sa loob nito.

Nahaharap si Talbot sa paglabag sa Section 4 in relation to Section 6 ng RA 9208 o The Anti-Trafficking in Persons Act, Section 10 (a) ng R.A. No.7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act; at Article 267 ng Revised Penal Code o Kidnapping and Serious Illegal Detention.

Samantala, kinasuhan din ang ina ng sanggol na si Maricris Cempron Dulap at John Doe ng paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Lorraine Gamo)