Abante Tonite Interactive

Amiel tagapagtanggol ng kalikasan

571

Bata pa lamang ang Miss Earth-Gattaran Cagayan Valley na si Amiel Saquisame ay pangarap na nito ang maging title-lera sa pageant.

Aniya, “Childhood dream ko na po ito, dream ko maging beauty queen. Bata pa lang po ako humaharap na ako sa salamin tapos ini-imagine ko na may korona, may sash, tapos may crowd na sumusuporta sa akin.”

Handa na si Amiel na ipakita ang talino, ganda at kaseksihan sa gaganaping grand coronation ngayong July 10, sa The Cove, Okada Manila. Siya ang kumakatawan sa bulaklak na Bird of Paradise.

Sa lahat ng promising candidate, ang passion para matuto ang kinaibahan ng dalaga sa ibang kandidata. Ang beauty and brain mula sa Cagayan Valley ay isa rin kasing law student sa San Beda College School of Law.

Pangarap ni Armiel ang maging international lawyer at ito ang nagbukas sa kanyang isip para sumali sa Miss Philippines Earth.

“Environmental rights is human rights,” paliwanag niya sa kanyang adbokasiya. Dagdag pa niya, “Ang advocacy ko po ay youth education on environment preservation and conservation kasi naniniwala po ako na ang youth ay isang importanteng factor para sa economic, social and lalo na sa environmental transformation.”

Bongga talaga, dahil sa talino, ganda at kaseksihang taglay ni Miss Earth-Cagayan Valley ay maraming mahuhumaling. Pero sa isang artista tumibok ang puso ni Amiel, sa kanyang childhood showbiz crush na si Jericho Rosales.

“I like him kasi he’s very simple yet he had achieved so much in life now. Everytime I see him in social media, he’s very humble pa rin, very considerate in a way na alam niya pa rin kung saan siya nagsimula,” pahayag ni Amiel sa Roldan Castro YouTube Channel. (Ronaline Avecilla)