Abante Tonite Interactive

Amin ang Game 5 — RJ, Phoenix

336

Dalawang ejections sa kampo ng Phoenix side story ng 114-91 loss ng Fuel Masters sa San Miguel Beer sa Game 4 ng PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome Martes nang gabi.

Si RJ Jazul ang tinamaan ng kamao ni Alex Cabagnot nang magbanggaan ang dalawa higit 2 minutes pa sa second quarter, pero si Alex Mallari ang na-thrown out matapos matawagan ng magkasunod na technical.

Si Mallari ang umangal sa play nang makitang tinamaan sa sikmura ang kakamping si Jazul na noong Game 3 ay dumugo na ang ilong nang matamaan ng ulo ni Von Pessumal.

Ejected din ang isa pang tauhan ni coach Louie Alas, si Jaypee Mendoza, dahil din sa technicals.

Ang magkaribal, itinuturo ang kabila na mas pisikal maglaro. Pareho pa sila ng punto na hindi pumapabor sa kanila ang tawagan sa pisikalidad ng kalaban.

“Whatever they will do, we are ready,” giit ni San Miguel coach Leo Austria. “I just instructed my players not to fight back.”

Si Jazul, walang reklamo bagama’t aminadong nagiging pisikal na nga ang series. (Vladi Eduarte)