Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amit alaga ang isipan, katawan

0 94

Mag-aanim na buwan na sa papasok na linggo ang Covid-19, pero para kay 2019 PH Southeast Asian Games billiards double-gold medalist Rubilen ‘Bingkay’ Amit, tuloy lang laban sa ilalim ng abnormal na new normal na buhay.

Sapul nang dumating ang virus sa bansa nitong Marso, tinutukan ng former two-time World Pool Billiard Association (WPA) world women’s 10-ball champion, ang kanyang kanyang kaisipan, pangangatawan at ispirituwal.

“This pandemic mostly attending mental wellness zoom MWF (Monday-Wednesday-Friday) led by Gang Badoy of RockEd: Project Steady,” tugon sa Abante TONITE Sports nitong Lunes ng gabi ng 38-year-old, 4-foot-11 at Mandaue native.

Hinirit ng cue artist na residente ng Taguig, “Then trying to learn new things thru Youtube.”

At siyempre hindi puwedeng mawala sa national athlete ang pag-eensayo sa sport na nagbigay sa kanya ng 2013 at 2009 world 10-ball crowns.

“I practice biliards from time to time. Also focusing on spiritual aspect of my life rin,” hirit ni Amit.

Pinanapos niyang malamang na wala na siya at mga kasamahan na mga kompetisyon sanalalabing apat na buwan ng taon at sa halip ay sa susunod na taon na lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.