Abante Tonite Interactive

Amit pasok sa finals ng Wold 9-Ball Open

0 193

Nakatuntong si former two-time world 10-ball queen Rubilen Amit sa pinale ng 2019 Pudong Tangcheng World 9-Ball Open sa Pudong, China.

Habang sinusulat ito’y kasagupa ni Amit si kasalukuyang world No. 1 at 2017 world pool champion Chen Siming ng host cuntry at asam ang titulo na matagal na rin naging napakailap sa kanya.

Pumalaot na rin sa finals si Amit sa 2007 World 9-Ball Open, pero pumangalawa lang kay Pan Xiating ng China sa Taipei, Taiwan.

Pa-finals sa Pudong, tinalo ni Amit si Hiraguchi Yuk ng Japan, 9-5, bago binigo si Taiwanese Chou Chieh Yu, 9-4.

Pinatalsik din ni Amit sa semis si Chinese Liu Shasha. (Lito Oredo)