Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amit, Petecio balian ng pulso

0 328

Hinamon ni reigning International Boxing Association (AIBA) world women’s featherweight champion Nesthy Petecio si two-time World Pool-Billiard Association (WPA) 10-ball champ Rubilen Amit sa isang labanan sa mesa.

“One-on-one tayo champ (may kasamang emoji na nakangiti, braso at kamao),” paghamon o bilang komento ng 28-year-old, 5-foot-2, Sta. Cruz, Davao del Sur native boxer sa Facebook post ng bilyarista na mga bagong mesa ng sport. “Sarap naman diyan, palaro kami.”

Walang abog-abog namang kinasahan ng 38-taong-gulang, may taas na 5-0 at tubong Mandaue City cue artist ang paanyaya ni Petecio.

“Medyo kinabahan ako naisip ko boxing (kasama ang emoji na baliw at biro lang),” tugon ni Amit sa bilyaran niyang nasa Metro Manila. “Sure, basta billiards lang ha? ‘Pag safe na, yayain ko kayo dito.”

Pero giniit ni Petecio na sa tako’t mesa lang ang challenge niya sa 2009 at 2013 world 10-ball titlist. At siya ang magpapaturo kay Amit ng da-moves nito upang sa susunod na makalaban ang dating nakaharap ay matatalo iyon.

Pinayuhan na lang ng Cebuana billiards player ang Davaoeña na para mas madali ay takutin na lang ang kalaban para sure win pa (may kasamang halakhak na emoji). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.