Abante Tonite Interactive

AMLC, BIR inalerto: Narco-money binuhos sa eleksyon

347

Kinalampag ni Senador Richard Gordon ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng imbestigasyon sa perang ibinuhos umano ng mga narco-politiko sa nakaraang eleksyon.

Para kay Gordon na siyang chairman ng Se­nate Blue Ribbon Committee, hindi tama at eskandaloso ang naganap na vote buying sa bansa noong halalan kung saan sinasabing nanalo ang mga politiko na isinasangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

“While vote-buying may have become commonplace to some people, the inordinate, flagrant and scandalous vote-buying in areas where the narco-politicians won must be investigated,” diin ni Gordon.

Abante Hiring – IT dep

Binigyang-diin ni Gordon na maraming insidente ng vote buying incident ngayong halalan kung saan bumaha ang mga salapi.

“A lot of vote-buying occurred and there are affidavits to show that. Where there is massive vote-buying, cash was used. And because so many thousands of pesos were distributed, AMLC should look into that. The BIR should look into their capability, the Comelec should investigate, and the police should also investigate,” dagdag ng senador.

Dapat aniyang alamin ng mga awtoridad kung mayroong malala­king withdrawals sa panahon ng eleksyon.

Kinalampag din ni Gordon ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police na tumulong sa im­bestigasyon.

Tinukoy din nito ang kaso sa Zambales na aniya’y napakalapit sa Scarborough Shoal at China kung saan nagmumula ang mga smuggled drug makaraang mapaulat ang sangkaterbang vote buying sa Subic, Sta. Cruz at Olongapo City.

“It is obviously an attempt by the narco-politicians to save themselves by getting positions,” diin ni Gordon.

Base kay PNP Director General Oscar Alba­yalde sa press briefing nito sa Camp Crame, nasa 27 politiko na nasa narco-list ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nanalo sa katatapos na halalan.

Ilan aniya sa mga ito ay nanalong mayor at gobernador sa Central Luzon at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). (Dang Samson-Garcia)