Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AMLC: Child pornography talamak sa pandemya

0 36

Pinalala ng COVID-19 pandemic ang problema sa child pornography at lalong sinasamantala ang mga bata dahil kailangan ng pamilya nila ng pera.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), konektado ang paglaganap ng internet at pagsulong ng iba pang teknolohiya sa telekomunikasyon sa online sexual exploitation of children (OSEC).

Malaking banta umano ang sexual exploitation sa mga batang Pilipino at may mga kakulangan sa batas kaya nakalulusot ang mga sex offender.

“OSEC poses a high threat to the Philippines, especially to Filipino children,” sabi ng AMLC. “The risk is particularly heightened during the COVID-19 pandemic.”

Ginawa ng AMLC ang pag-aaral matapos ilahad ng Financial Action Task Force na dumadami ang pananamantala sa mga bata dahil sarado ang mga paaralan at dumami rin ang gumagamit ng internet.

Base sa 2018 Internet Organized Threat Assessment na ginawa ng European Union Agency for Law Enforcement Cooperation, sinabi nitong kabilang ang Pilipinas sa mga bansa kung saan nakikita ang ganitong pag-abuso sa mga bata.

Nakadagdag pa umano sa OSEC ang paglaganap ng internet, ang murang smartphone at tablet, ang kaalaman sa wikang Ingles, at ang dami ng mahihirap na pamilya na walang nakikitang mali sa pag-livestream ng pang-aabusong sekswal sa bata.

Ayon sa AMLC, mas matapang na ang mga sexual offender dahil ginagamit pa nila ang Facebook at Twitter sa iligal na gawain.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.