Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ammonia sumingaw sa Lian ice plant

0 319

Nagkaroon ng ammonia leak sa isang nakasaradong ice plant sa Lian, Batangas na pinagsimulan ng nakasusulasok na amoy at naapektuhan ang mga residente ng isang barangay.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau (DENR-EMB) Batangas chief Luisa Garcia, kamakalawa pa nagsimula ang ammonia leak dahilan ng masangsang na amoy sa paligid ng Brgy. Bagag ng nabatid na bayan matapos umanong aksidenteng matumba ang drum na pinaglalagyan ng nasabing kemikal habang nililinis ang ice plant.

Dumating agad ang mga tauhan ng DENR-EMB at nagsagawa ng inspeksyon sa lugar at nakita nilang tuyong-tuyo ang mga dahon sa paligid ng ice plant. Tiningnan din ang ilog na katabi nito at nakita ang pagkamatay ng maraming isda.

Lumalabas sa imbestigasyon na naagapan ng mga tauhan ng ice plant ang pagtapon ng ammonia sa pamamagitan ng pagbuhos ng maraming tubig kaya dumiretso ang katas ng kemikal sa ilog na ikinamatay ng mga isda doon.

Sa ngayon ay kontrolado na ang situwasyon pero nagsagawgawa pa rin ng check-up ang mga doktor at health worker sa mga residente ng barangay na nakalanghap ng masangsang na amoy. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.