Abante Tonite Interactive

Amnestiya ng 277 mga dating rebeldeng sundalo nasa kamay ni Duterte — Guevarra

By
642

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal na desisyon sa kapalaran ng 276 na mga dating rebeldeng sundalo na nalagay na rin sa alanganin ang amnestiya matapos madiskubre na nawawala rin ang kanilang mga rekord katulad kay Senador Antonio Trillanes IV.

“For now, the focus is on Senator Trillanes’ amnesty grant. It is up to the President what he wants to do with the grant of amnesty to other individuals,” ayon kay Guevarra.

Kasunod ito ng pag-amin ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND) sa pagdinig ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 noong Biyernes kaugnay ng mosyon ng DOJ na mag-isyu ang korte ng alias warrant of arrest at hold departure order laban kay Trillanes, na wala umano silang rekord ng aplikasyon ng 277 na mga dating rebeldeng sundalo na nasangkot sa pag-aaklas noong 2003 at 2007.

“Executive clemency involves the exercise of discretion, and the president as chief executive and commander-in-chief enjoys a lot of freedom in exercising this prerogative,” paliwanag pa ni Guevarra.

Sinabi nina DND Legal Affairs Service chief Norman Daanoy at Records Division chief Arlene Manjares na hindi nila makita ang mga dokumento sa kanilang tanggapan.

Magugunita na nag-isyu si Pangulong Duterte ng Proclamation No. 572 noong Setyembre 4 na nagpawalang bisa sa amnestiya kay Trillanes dahil sa pagkabigo umano nito na mag-apply para sa amnestiya at hindi pag-amin ng kanyang kasalanan sa naging partisipasyon sa 2003 Oakwood Mutiny at 2007 Peninsula Manila siege sa termino ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.