Abante Tonite Interactive

Amnesty ipatutupad ni Isko sa hindi natutubos na lisensya

0 383

Magpapatupad ng amnestiya si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para sa lahat ng lisensiya na hindi tinubos sa Manila Traffic Par­king Bureau (MTPB) mula pa noong 2004 hanggang ngayon 2019.

Nabatid na binigyan ni Moreno ng hanggang Disyembre 31, 2019 ang mga may-ari na tubusin na ang kanilang lisensiya.

Nalaman na nilagdaan na rin ni Moreno aang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ni Land Transportation Office (LTO) Asst. Sec. Edgar Galvante para bigyan ng access ang Lokal na Pamahalaan ng Maynila sa Integrated Law Enforcement System.

Ito ay para maberipika kaagad ng mga traffic enforcer ng Maynila ang estado ng lisensiya na kanilang sinita para sa isang traffic violation.

Mas madali umano na makakagawa ng aksiyon at maiba-block ang sinumang driver sa anumang transaksyon nila sa LTO hanggang hindi nila naisasaayos ang kanilang naging problema at hindi nila nababayaran ang kanilang multa.

Samantala, ininspeksyon ni Dennis Viaje, hepe ng MTPB ang libo-libong driver license na naipon matapos na hindi tubusin ng mga driver na lumabag sa batas trapiko mula pa noong 2004 hanggang 2019.(Juliet de Loza-Cudia)