Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amok todas sa nasaksak na korporal

0 114

Isang pulis na nakasuot ng bullet proof vest ang nasugatan nang masaksak sa tiyan ng lalaking nag-amok na nabaril at napatay din ng sugatang pulis na rumesponde sa Barangay Tangos, Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa report ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kay P/Brig. Gen. Valeriano T. De Leon, Regional Director ng Police Regional Office 3, nakilala ang napatay na nag-amok na si Edwin Roque alias Papo, taga-Barangay Tangos, Baliuag na nasawi bunga ng tama ng bala sa katawan habang sugatan si P/Cpl. Rafael Tagle, intelligence operative ng Baliwag police station.

SM food to go Banner Ad

Alas-11:30 ng gabi nitong Lunes nang maganap ang insidente nang rumesponde si P/Cpl.Tagle sa report na may nag-aamok at armado ng ice pick.

Ngunit kahit naka-bullet proof vest ang pulis ay sinugod pa din ito ni Tagle at masaksak sa tiyan.

Kahit sugatan ay nabaril ng pulis ang suspek na naging sanhi ng kamatayan nito. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.