Abante Tonite Interactive

Amoy All-SMC sa finals

By
2,701

Dumayo ng Ynares Center ang Magnolia Pambansang Manok para ibaon ang NLEX 87-78 Linggo ng gabi.

Sinikwat ng Hotshots ang 3-2 lead sa PBA Phi­lippine Cup semifinals, isang panalo pa ay kasado ang all-San Miguel Corp. duel sa Finals dahil nakaabang na doon ang isa pang team ni Ramon S. Ang, ang three-time defending champion San Miguel Beer.

Susubukan ng Magnolia na tapusin ang best-of-seven series sa Game 6 bukas, Martes, sa Smart Araneta Coliseum.

Abante Hiring – IT dep

Mula sa dikdikang first three quarters, unti-unting lumayo ang Magnolia nang umagwat ng 10 sa putback ni Ian Sangalang sa kanyang sariling mintis sa kalagitnaan ng fourth, sinundan ng nakumpletong and-1 play ni Aldrech Ramos para sa 75-62 lead.

Pagkatapos ng two free throws ni Kiefer Ra­vena at nasa Hotshots ang posesyon, kitang nagsasagutan sina Road Warriors big man JR Quinahan ng Road Warriors at Magnolia coach Chito Victolero. Hindi maawat, pareho silang pinituhan ng technical.

Umagwat pa sa 87-71 ang Magnolia higit 1 ½ minutes pa, at hindi na nakaporma ang NLEX.
Pinangunahan ng 18 points, seven rebounds ni Mark Barroca ang Hotshots, may tig-15 sina Paul Lee at Ramos na nagbaba pa ng nine boards.

“Alam naman natin naghahanda talaga ‘yung NLEX, kung ano yung mali namin nga­yong, gagawan na lang ng adjustments,” ani Ramos sa inaasahan nila sa Game 6.

Naglista ng 21 points si Ravena sa Road Warriors, hindi naregaluhan ng ‘W’ si coach Yeng Guiao na magdiriwang ng 59th birthday ngayon. (Vladi Eduarte)