Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amoy trade sa 12 team – Espiritu

0 87

Maliban sa mga manlalaro na libreng makuha sa free-agent, nagbukas na Lunes ng hapon ang mga palitan o trade sa player ng bwat team na mga magpapalakas ng kanilang komposisyon para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na planong simulant sa April 9.

Iipinahayag nina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja na halos lahat ng 12 mga koponan ay naghahanap ng mga nais na ipuno sa kakulangan at kailangang talent at kalidad sa puwesto.

SM food to go Banner Ad

“May mga nagpapahanap na sa amin sa kulang nilang player sa team. Ngayon, kung wala talagang makuha doon sa mga nasa free agent, saka tayo maghahanap doon sa mga hindi nagagamit sa ibang teams kung pupuwede natin na mai-negoitate sa isang trade,” sambit ni Espiritu, ang pinakamaraming hawak na basketbolista at nasa 33 taon na sa industriya.

Pero inaasahan pa ang maraming palitan bago o matapos ang 36th PBA Rookie Draft sa Mar. 24. Ang deadline ng aplikasyon ditto ay January 27.

Inalis na ng PBA ang trade suspension na pinairal sapul noong March 2020 hanggang January 4 ng taong ito dahil sa Coronavirus Disease. Huling nagkaroon ng swap sa NLEX Road Warriors, Blackwater Elite at TNT Tropang Giga na kinasangkutan ni Poy Erram. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.