Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Ampalaya boys’ sa Kamara bubuo ng independent bloc

0 380

Naghahanda ang kampo ng tinaguriang `Ampalaya boys’ na bumuo ng tinatawag nilang “independent bloc” sa Kongreso para palitan si Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang source, sa Huwebes ilulunsad ng grupong sasalungat sa mga hakbang ng kasalukuyang liderato ng Kamara, kabilang ang pagbabago sa mga economic provision ng Konstitusyon na isinusulong ni Velasco, ang kanilang samahan.

Gayunman, hindi raw kakalas ang grupo sa mayorya sa kabila ng kanilang pagkontra sa mga kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang ang pagsuporta nito kay Velasco bilang lider ng Kamara.

Binubuo ang grupo ang ilang dating lider ng Kamara na sinibak sa puwesto matapos magpalit ng liderato noong Oktubre.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilan sa mga ito ay ang mga dating deputy speaker na sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund `LRay’ Villafuerte Jr., Batangas Rep. Raneo Abu, Laguna Rep. Dan Fernandez, at sina Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor, at Cavite Rep. Abraham `Bambol’ Tolentino.

Ang nasabing grupo ay binansagang “Ampalaya Boys” ng isang miyembro ng mayorya.

Tinawag din ng nasabing mambabatas na ipokrito ang grupo sa pagnanais ng mga ito na manatili sa mayorya.

“Kung hindi naman sila tatalima sa mga kagustuhan ng bagong liderato at ni Pangulong Duterte, bakit hindi pa sila tuluyang lumisan sa mayorya at sumanib sa oposisyon kabilang ang Makabayan bloc?” giit nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.