Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ampalaya, pechay, 10 pang gulay nilagyan SRP

0 100

Naglagay na ng suggested retail price o SRP sa mga gulay tulad ng amapalaya, sitao, pechay, talong, kamatis, carrots, sayote at iba pa ang Department of Agriculture (DA) matapos magkaipit-ipit ang suplay nito dahil sa magkakasunod na bagyo sa bansa.

Pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar ang Administrative Order No. 16 noong November 20, 2020, na nagpapataw ng SRP sa 12 gulay.

Kasama sa kautusan ang DRP sa karneng baka. Ang SRP sa beef rump ay P380 kada kilo at P300 naman sa beef brisket.

Narito ang SRP sa mga gulay kada kilo: ampalaya, P80; sitaw, P80; pechay native, P80; kalabasa, P30; talong, P60; kamatis, P100; repolyo, P60; carrots, P80; baguio beans, P100; patatas, P70; pechay baguio, P60; at sayote, P30.

Hindi sinabi ng DA ang basehan nito sa pagtukoy ng SRP sa mga gulay. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.