Abante Tonite Interactive

Amy Perez dawit

Pekeng Regine at Sarah pinapalayas sa dos

By
6,071

May mga humihiling na tsugihin sa ABS-CBN sina Angeline Quinto at Morissette Amon dahil hindi raw kailangan doon ang mga fake Sarah Geronimo at Regine Velasquez wannabes. May kinalaman ito sa paratang ng Popsters na pinagtatawanan umano nina Angeline at Morissette si Sarah nang mag-breakdown ito sa concert nito sa Las Vegas.

Maging si Amy Perez ay dinawit sa isyu dahil PA raw ni Amy ang naka­rinig sa ginawang pagtawa ng dalawa kay Sarah.

Supalpal ‘yung nag-imbento ng isyu sa sagot ni Amy na wala siyang alalay o PA. Mag-isa siyang pumupunta sa trabaho at kahit driver ay wala siya.

Sey pa ni Amy, huwag siyang ida­may at ang ibang tao dahil lahat ay love si Sarah at nagdadasal na maging okey ito.

Ipinagtanggol naman si Angeline ng mga kaibigan at nakakakilala sa kanya. Anila, isa si Angge sa pinakamabait at pinakatotoo sa showbiz.

Wala raw sa karakter nito ang ibini­bintang dito ng ilang naninira.

Maraming naawa kina Angeline at Morissette sa pambu-bully na ginagawa sa kanila ng mga fan.