Abante Tonite Interactive

Amy, Teddy, Vice na-food poison

279

Wala pa rin si Amy Perez sa “It’s Showtime” kahapon kahit nag-celebrate ng 10th anniversary ang programa.

Isa pala siya sa na-food poison diumano kasama sina Vice Ganda at Teddy Corpuz.

Pati ang isa sa head ng “It’s Showtime” ay naospital. Marami raw sa staff ang nagka-LBM.

Nu’ng Martes, absent din si Vice dahil sa pagkakalason. Kahapon ay wala rin siya sa opening ng show na ginanap sa Resorts World.

Pero ganu’n na lamang ang hiyawan nang dumating na siya at makita.

Halatang nanlalambot ito.

Tsika ng aming source, sobrang nanghina raw si Vice sa food poison. Dinaan na lamang niya sa biro ang nangyari sa kanya nang i-mention niya on air ang catering.

Si Teddy naman ay nakayanan nang mag-perform kahapon sa ‘Magpasikat 2019’.

Anyway, inaabangan ang performance ni Vice ngayong Sabado na kung saan iaanunsyo rin ang mananalo. (Mildred Bacud)