Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Amy trending sa pag-sorry ng LTO Director

0 457

Trending sa Twitter ang Tyang Amy dahil sa kanyang panayam sa Director ng Land Transportation Office-NCR na si Atty. Clarence Guinto. Naganap ito sa programang Sakto ng Teleradyo.

Humingi ng paumanhin si Guinto kaugnay ng kanyang sagot sa protective car seats for kids.
Sinabi ni Atty. Clarence kay Amy na ang mga car owners ay kumuha ng malaking sasakyan kung ang anak nila ay 12-year-old .
Ganito ang tinakbo ng kanilang usapan.

“Kung ang 12 years old sobrang tangkad at siya po ay lalagyan ng booster..aangat at tatama ang ulo sa kotse. Hindi po ba mas delikado ‘yun?,” hirit ni Amy.

“ Siguro Ma’am Amy, laki-lakihan mo sasakyan mo,” pakli niya.
Kinuyog ng netizen si Atty Guinto na diumanoy “insensitive.”
Dahil dito naglabas siya ng official statement. Narito ang bahagi ng nilalaman nito.

“I am sorry for the confusion I have caused with my remark, which was made in jest. I realize now that it was inappropriate.

“To clarify, if the child is above 4’11”, the child is exempted from using a child car seat under the law and may be secured using the regular seat belt.”

Ang isyung pinag-uusapan nina Amy at Atty. Guinto ay kailangang maglagay ng car seats sa loob ng mga pribadong sasakyan para sa mga sakay na 12 years old pababa at mas mababa sa 4’11” ang taas. Ito’y para maging ligtas ang mga bata sa biglaang pagpepreno sa oras ng aksidente.

.

Base ito sa full implementation ng Child Safety in Motor Vehicles Act (Republic Act 11229), na tinatawag ding Child Car Seat Law.

Ang nasabing batas ay epektib ngayong araw na ito, February 2.

Leave A Reply

Your email address will not be published.