Abante Tonite Interactive

ANA 1 buwan nang kasal

677

Exclusive na nakapanayam ng Abante Tonite ang award-winning actress na si Ana Capri. Napag-alaman namin na last month ay ikinasal na siya.

Ngayong June 13 ay eksaktong isang buwan nang kasal si Ana sa Australyanong si Dave na isang businessman at nagtatrabaho sa isa sa pinakamalaking gas company sa Australia.

Ginanap sa isang mountain-resort ang wedding ni Ana na dinaluhan lang ng kanyang malalapit na pa­milya, pati na ng parents at kapatid ng kanyang mister.

“Very intimate wedding talaga ito at walang taga-showbiz or even my close friends na invited…” pani­mulang saad ni Ana.

Masa­yang pahabol pa niya, “Dream come true ito, and the wedding is so beautiful.”

Paano niya ide-des­cribe ang kanyang husband? “Si Dave, masasabi kong siya ay isang ama­zingly crazy perfect husband na makikita lang sa one in a billion, hahahaha!” pabungisngis na saad ni Ana.

Halos isa’t kalahating­ taon munang naging magkasintahan sina Ana at Dave bago sila nagpasyang magpakasal. Pababalik-balik si Ana sa Australia at ang kanyang BF naman ay pumupunta rin sa Pilipinas kapag kaya ng kanyang hectic schedules lalo na kung si Ana ay maraming projects­ na pinagkakaabalahan sa bansa.

Si Ana ay huling napanood sa TV series na “Ngayon at Kailanman” na pinagbidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Idinagdag pa ni Ana na ilang pelikula at TV series ang kanyang tinanggihan dahil sa temporary siyang naka-base sa Australia simula pa noong pagpasok ng taong 2019.

Pero no regrets naman si Ana dahil masaya siya sa buhay-may asawa. “Masaya, dahil siyempre ano iyan eh, ito ‘yung hinihintay kong moment ng life ko, masaya… and it’s nice dahil nandito naman ang fami­ly ko nang ikinasal ako.”

Titigil na ba siya sa pag-aartista? “Siyempre sa ngayon ay ita-try muna naming mag-family. Hindi ko naman iiwan ang showbiz, dahil sa ngayon, temporary lang naman itong pagpahinga ko sa showbiz at pag-stay ko sa Australia. Baka this December ay umuwi ako ng ‘Pinas,” aniya pa. (Nonie Nicasio)