Abante Tonite Interactive

Ana  gustong lawayan sina Coco, Daniel

By
598

Kontento ang award winning sexy actress na si Ana Capri sa takbo ng kanyang showbiz career. Bukod sa pagi­ging multi-awarded sa larangan ng pag-arte, si Ana ay isa ring painter.
Mula sa pagsabak sa sexy films, nanalo na siya ng apat na Best Actress award at dalawang Best Supporting Actress kabilang na ang 3rd ASEAN International Film Festival and Awards noong 2017 sa Kuching, Malaysia para sa pelikulang ‘Laut’ ni Direk Louie Ignacio.
Nang mag-guest siya sa online show ng Abante TONITE na Tambayan ng Tsika with Roldan Castro at Rona Avecilla ay kagaga­ling lang niya sa taping ng GMA-7 drama anthology show. Kuwento ni Ana, “Galing lang ako Magpakailanman, kasama ko riyan si Marco Alcaraz, at saka ‘yung mga bata ng GMA-7. Mother nila ako, asawa ko si Marco. Nagkaanak ng cerebral palsy tapos ‘yung panganay na anak ko tumayong nanay at tatay sa mga kapatid niya habang umalis ako para humanap ng pangbuhay at pampagamot sa mga anak ko.”
Mabuti at nakakatawid siya sa GMA-7 at ABS-CBN? “Ano naman, okay naman kasi wala naman ako talagang kontratang exclusive, per project basis ako.”
Ano’ng feeling sa mga kasabayang sexy actress, siya yung naiwan? “Ako steady, chill lang ako, laid back eh… Tsaka, baka kasi dahil I’m doing my homework. Saka hindi lang basta talent ‘di ba? Kailangan marunong ka rin kasing makisama sa mga tao, tsaka yung professionalism mo. Ang dami kasing artista ngayon, parang… compared dati ‘di ba, parang kaunti lang ng artista.”
Anong masasabi niyang turning point-mula sexy actress to actress na talaga? “Iyong Pila Balde and after, nag-offer naman ang ABS ng Dekada ‘70 which is ako yung asawa ni Piolo (Pascual). So parang sabi ko, ‘A okay, puwede ako sa ganoong character’. Then after niyon, nagsunod-sunod naman na nagkaroon ng mga drama series na kasali ako. So… parang nawala ‘yung sexy image.”
Si Piolo pala ang nakabuena mano sa kanya na hindi na siya paseksi? “Yes. Then parang may running joke pa ako sa sarili ko na, ‘Wow ha, I get paid more wearing something.’ Kasi may joke pa sila na, ‘Sexy film ‘yan, bakit siya kasama roon sa mga award giving na ano.’ Sabi ko, ‘Well, that’s me wearing nothing and I get nominated.’ Joke lang naman ‘yun,” nakatawang saad pa ni Ana.
Ano ‘yung film na hindi siya nagpa-sexy pero napansin ang galing niya bilang aktres? “Iyong Laut dahil nanalo ako ng dalawang acting award doon, kaya nagpapasalamat ako kay Tita Baby Go ng BG Productions sa pagbibigay niya sa akin ng project.”
“Hindi lang basta talent kailangan marunong ding makisama”
 
 

Walang pinagsisihan sa pagpapaseksi

May pinagsisihan ba siya sa pagpapaseksi? “Wala naman, pero sana na-maintain ko nang todo (ang kaseksihan ko) ‘no? Hahahaha! Para ‘di ko kailangan masyadong mag-diet. Hindi, wala naman akong pinagsisihan. Paano nag-start sa showbiz? “Iyong first break ko ay sa pelikulang Virgin People 2.
Nang ginawa nila ang Virgin People 2, pinahanap nila ako. Iyong Ana Capri ibinigay ni Direk Celso, kasi Ana ang name ng anak ng producer ng movie at ‘yung Capri, ‘yun ang brand ng sigarilyo ni Direk Celso. Kaya sabi sa akin ni Direk Celso, protégé niya raw ako, kasi parang siya ang nag-create sa akin,” saad ni Ana.
Kung parang Angel Aquino sa ‘Glorious’ with Tony Labrusca na nakikipaglaplapan, kaya ba niya ‘yun?  “Oo naman kasi even before ‘pag tinatanong ako, kasi hindi ako mas­yadong malisyosa… noong time na ‘yun parang feeling ko, parang, ‘di ba ‘yung models nagra-ramp sila without top?  Ngayon nga ako nagi­ging more responsible… Pero sa akin kasi walang malisya noon e, basta maganda ‘yung role tapos, nakikitaan ko naman ng sense.”
If bibigyan siya ng role kagaya kay Angel, sino ang gustong makalaplapan na bagets? “Para hindi naman masyadong nakakakonsiyensiya, ‘di ba dapat may cut off ng age?” sagot-tanong ni Ana. “Siguro si Coco,” aniya pa.
Kung mas bata kay Coco? Halimbawa, Da­niel Padilla, Alden Richards, Enrique Gil? “Si Daniel na. Wala… kasi pareho ko silang naka-work. Tapos si Daniel kasi mabait siya. Nakatrabaho ko na siya.”
So gusto niyang lasahan si Daniel? Tumawa muna si Ana bago sumagot. “Pero kasi problema pag nakikita ko siya wala akong… no offense ha, pero kung ‘yun nga ang choice, eh di siya.
Tapos he’s doing good with his career, tapos very professional naman siya, so aim high, ‘di ba?”
Bale, gusto bang lawayan ni Ana sina Coco at Daniel? Kasi sa kissing scene nina Angel at Tony, talagang nagkakapalitan na sila ng laway, ‘di ba?
“So, kapag nakita ko sila, ‘Lalawayan ko kayo…’ Eh pero, kung iyon ‘yung terminology, ‘di ba? Lalawayan ko sila, hahahaha! Grabe kayo!” nakatawang sambit pa ni Ana.

Gusto nang pakasal sa Aussie BF

Kamusta na ang movie na dapat ay gagawin nila ni Alessandra? Plano pa ay ididirek siya ng kanyang BFF? Okay ba ‘yun kay Ana? “Oo naman.

 

Tsaka lagi naman akong masaya na katrabaho siya, kasi talagang kapag mayroon siyang naisip, talagang tinututukan niya ‘yan hanggang sa mag-progress. Like ‘yung 30 something namin, ano lang ‘yun kumbaga nagsimula lang sa usapan.

 

Tapos ayun nag-push naman,” aniya pa hinggil sa ‘The Diary of a 30 Something’ na bukod sa isa sa bida si Alex ay siya rin ang sumulat at producer ng natu­rang mini-series.
Sa puntong ito, pinasalamatan ni Ana ang mga nanood ng pelikula nina Alex at Paolo Contis na ‘Through Night and Day’. “Thank you nga pala sa mga nag-support ng movie niya. Di ba Rated A? Hindi dahil sa kaibigan natin siya, pero ang ganda talaga ng movie nila.”
Kamusta na ang kanyang Australian boyfriend? “Masaya naman. Ano siya, mabait tapos hopefully, claiming… (makasal na kami).”
Next year, sisiluhin mo na? “Oo probably, nag-aaral na ako kung paano mag-hypnotize ng tao,” nakangiting saad pa ni Ana na idinagdag pa sa long distance relationship nila for three years ay kailangan talaga ang trust.