Abante Tonite Interactive

Ana Patricia at Anjame, super hot!

By
4,227

Isa sa bet ng Binibi­ning Pilipinas International na si Mariel de Leon sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2018 ay si #21 Anjame Magbitang. Pinay na Pinay raw kasi ang beauty nito.

Si Anjame ay tubong Hagonoy, Bulacan 19 years old, 5’10”. Mahilig siyang magluto, kumanta at mag-serve kay God bilang lector. Isa siyang estudyante.

Isa pa sa malakas ang laban ay ang candidate #4 na si Ana Patricia Asturias ng Tacloban City, Leyte, 25, 5’6”.
Interesado siya sa Interior Design, pag-inom ng coffee at pagbabasa. Isa siyang Interior Designer, Café Restaurateur.

Matindi ang dating at super hot sina Anjame at Patricia.

Aubrey, Carlyn at Janine huhusgahan sa ‘One Song’

MAGSISIMULA nga­yong araw na ito ang bagong serye na One Song. Ito’y tungkol sa friendship at mga pangarap sa pamamagitan ng musika. Kung nung 80’s ay nandiyan ang mega-hit drama na ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ nina Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, at Cherie Gil. Nu’ng ‘90s naman ay ang Do Re Mi nina Regine Velasquez, Mikee Cojuangco, at Donna Cruz, ngayon naman ay ang One Song na tinatampukan nina Aubrey Caraan, Carlyn Ocampo, at Janine Teñoso.

Mapantayan kaya nila ang pag-hit noon nina Sharon, Dina at Cherie? Huhusgahan na sila ngayong Sabado, exclusively sa Viva TV.

Kasama sa serye sina Candy Pangilinan, Katya Santos, Christopher Roxas, Andrew Muhlach, Gab Lagman, Cliff Hogan with special participation by Roselle Nava. Directed by Digo Ricio.
Talbog!