Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ana tinuruan maging ‘pornstar’

0 104

Umpisa pa lamang ng taon ay mapangahas na agad ang pelikulang handog ng Viva Films at VinCentiments. Ito ‘yung “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar”.

Ito rin ang unang unang handog ng Vivamax Originals sa pinakabagong steaming app na Vivamax.

Nakipagsabayan si Ana kina AJ Raval, Rose Van Ginkel. Pati rin kina Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor, at Rosanna Roces, mga haligi ng “bomba films” ng kani-kanilang henerasyon.

Bilang mga “Relevant Women of Philippine Sex Cinema”, magtutulungan ang apat para turuan sina Agatha (Ana Jalandoni) Sofia (Rose Van Ginkel), at Twinkle (AJ Raval) kung paano maging ‘pornstar’ sa naturang pelikula. Magbibigay sila ng tips kung paano maging kaakit-akit at pagnasahan ng mga manonood.

“ Nu’ng first na malaman ko na makakatrabaho ko sila, sobra po akong na-excite. Kasi nu’ng bata pa ako sila po ang pinapanood ko lalo na si Ms. Osang. Idol na idol ko talaga ‘yan. Tawag ko nga sa kanya nanay. Paglaki ko nanay ko ‘yan. Tingnan n’yo nangyari,” tumatawa niyang pahayag.

“Sobrang happy po na nakasama ko sila. At gina-guide po nila ako kung paano umakting kasi nga wala pa po akong experience. Sabi po ni Ms. Osang sa akin, lakasan mo ‘yung loob mo kasi gusto mo nang maging artista.malay mo ito na ‘yung break mo, ganyan. Sabi rin ni Ms. Maui ibigay mo na lahat pagdating sa acting kasi diyan ka na mag-uumpisa,” lahad pa ni Ana.

Si Ana ay kilala rin bilang isa sa mga sexy angels sa “Ang Probinsyano” at isa ring content creator sa Oomph TV.

Ang pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ay mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap (Jowable, Sakristan). Ito ay palabas na simula January 29, 2021. Sa halagang P149, mapapanood na ito, mag-subscribe lang sa VivaMax. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.