Abante Tonite Interactive

Anak ang mamimili ng apelyido

424

Dear Atty. Claire,

Magtatanong lang po sa kaso ng anak ko. Binata na po siya at nasa pa­ngangalaga ko mula pa nang maliit at may ibang family na po ang nanay niya.

Paano ko mapapalitan ang apel­yido ng anak ko kasi apelyido ng nanay niya ang gamit niya po.

Nang pinanganak siya ay pumirma ako sa likod ng papel. Dahil ‘di kami magkasundo ng nanay niya hanggang ngayon nais kong maayos ang birth certificate ng anak ko.

Hingi po sana ako ng payo sa inyo. Sa­lamat po.
FPJ

Mr. FPJ,

Dahil sa ipinanganak ang bata ng taong 2001 ay hindi na applicable ang RA 9255 kung saan gagawa na lamang sana ang Affidavit to use the Surname of the Father ang ama kung ang nanay ay papayag na gamitin ang apelyido ng ama. Ngunit kung hindi papayag ang nanay sa ganitong sitwasyon ay hindi rin mapoproseso ang balak.

Ngunit may isang na­ging decision ang Sup­reme Court kung saan maaaring makapamili ang anak ng apelyido na gagamitin niya at hindi ang magulang ang magpapasya nito kundi ang bata mismo kung siya’y may sapat na pag-iisip upang makapagdesis­yon.

Sa kasong Grande v Antonio, G.R. No. 206248, February 18, 2014 ay maliwanag na sinabi ng Supreme Court na (I)n Calderon v. Republic, this Court, upholding the best interest of the child concerned, even allowed the use of a surname different from the surnames of the child’s father or mother. Indeed, the rule regarding the use of a child’s surname is second only to the rule requiring that the child be placed in the best possible situation considering his circumstances.

***
xxx. The clear, unambiguous, and unequivocal use of “may” in Art. 176 rendering the use of an illegitimate father’s surname discretionary controls, and illegitimate children are given the choice on the surnames by which they will be known.

Ang ibig sabihin ay aalamin ng korte kung ano ang nais ng bata na gamitin at hindi uunahin ang nais ng mga magulang kung saan niya gusto siyang makilala at ang pa­ngalawa ay kung ano ang makakabuti sa kanyang interest. Sa edad na 16 ay mayroon nang sapat na pag-iisip upang magdesisyon kung anong apelyido ang gagamitin at hindi mahahadlangan ng nanay niya. Idudulog ninyo sa korte ang usapin at ang korte ang magdedesisyon sa hi­ling ng anak mo.